<xmp> <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/15737750?origin\x3dhttp://heartcaptured.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> </xmp>
Welcome
PLEASE READ THESE TERMS:

[#o1] Welcome to mah bloggy
[#o2] Do not rip anything off
[#o3] Whats here remains here
[#o4] Tag before you leave
[#o5] No vulgarities
[#o6] Leave if you're unhappy

Profile
STEPH MADAMBA

21 years of age.
4th year in DLSU.
European Studies and Business Management.

THAT used to be me. NOW:
23 years of age.
Rustan Coffee Corp.
INLOVE.

bolditalicstrikestrong♥♥♥ Love & Love

Tag Me.


on our way to goodbye..
so with it being resplendent, let's drink
yes, to our hearts content and delight :)
STAY HAPPY AND CHEERS


BLOGGED ONES.
MULTIPLY
FRIENDSTER

Henzel Gapay
Abby Villa
Nina Canizares
Sky Mendoza
Johanna Pineda
Lin Ocampo
Aiken Quipot

Archives
August 2005
September 2005
November 2005
December 2005
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
May 2007
September 2007
October 2007
November 2007
June 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
September 2010
October 2010

Layout ©
credits
ME. kynzgerl
CODES. SHOTGUN
BRUSHES. 1 2 3 4
IMAGES. 1 2
Sunday, June 11, 2006
sat. june 11, 2k6

Bakit hindi kailangang iintelektwalisa ang Filipino sa bansa?

Noong unang beses ko itong tinanong sa aking sarili, bakit nga ba hindi? Kung ating titignan, yung ibang mga bansa, gumagamit ng kanilang mga lengwahe na intelektwalisado na sa kanilang pamumuhay. Bakit nga ba tayo hindi? Bakit wala tayong sariling lengwahe na panglahatan na yun nga ay ang Filipino? Katulad na lamang ng Amerika, lahat sa kanilang pamumuhay ay gumagamit ng Ingles na intelektwalisado na na lingwahe? Hindi naman tayo makakakita doon ng mga Amerikano na nagsasalita ng Filipino sa kanilang bansa, hindi ba? Katulad na lamang din ng Europa. Kahit na alam na natin na ang wikang Ingles talaga ang ginagamit, sila ay hindi sumasali sa ganito. Ang kanilang lengwahe ang kanilang ginagamit, wala silang paki-alam kung hindi ka nila maintindihan pag kinausap mo sila sa ibang lengwahe. Ganap na intelektwalisado na talaga.

Sa tingin ko, ang primera na dahilan kung bakit hindi kailangang iintelektwalisa ang Filipino dito sa bansang Pilipinas ay sa kadahilanang hindi ito praktikal. Sa pagpapaintelektwalisa ng Filipino, marami ang kailangang gawin. Ang pinakamahalaga dito ay upang maiintelektwalisa ang Filipino, kailangan nitong mapalitan ang wikang Ingles. Isipin natin ng mabuti. Kung gagawin natin ito, kailangan mapalitan ang lahat ng mga libro at mga babasahin tulad ng mga dyaryo, magasin, pati na ang mga pinapanood natin sa telebisyon. Sa mga libro pa lamang ay napakahirap na kung iisipin. Ipagpalagay na lamang natin sa kursong medisina, o di naman kaya ay matematika? Papano naman kaya? Mahirap talaga at hindi natin ito maiintindihan ng mabuti. Hindi laman yan. Pag ginawa natin ito, papano na lamang ang mga gamut na ating kinukuha sa iba pang mga bansa? Hindi naman natin ito pwedeng palitan lahat ng mga leybel at ang iba pang mga nakasulat.

Sa sarili ko, masasabi ko rin na hindi ko ito kailangan. Kasalukuyan ay kumuha ako ng double major sa Unibersidad ng De La Salle na European Studies at Finance. Hindi ko talaga magagamit ang Filipino dito. Unang-una, ang kailangan kong pagaralan ay ang wikang French, at ang mga babasahin ay lahat sa Ingles at French lamang. Pangalawa, hindi ko naman maaaral sa Filipino ang aking mga aralin. Pangatlo, sa pag-aaral nito, ang mga terms ay nasa ibang lengwahe na at hindi naman pwedeng palitan. Katulad na lamang ng sa pinans, pano mo gagawing Filipino ang mga salita na ginagamit sa bangko at anumang usapang pera?

Kahit na lamang sa ating pangaraw-araw na pamumuhay ay mahirap na nating mapapalitan ng Filipino ang lahat ng mga salita. Isipin natin, sa wikang Filipino mismo ay meron na ring mga hiram na salita sa Ingles at ito ay tanggap na. Babaguhin natin ang lahat pag ito ay ating ginawa at tayo rin ang mahihirapan. Komportable na at sanay na ang mga tao sa kanilang ginagamit na salita. Papano na lamang ang mga literaturang ginagawa ng mga Pilipino na nasa ibang lengwahe katulad na lamang ng mga kanta o mga babasahin?

Napakakomlikado ng pagpapaintelektwalisa ng isang wika, maliban na lamang ang aking mga nabanggit sa unang bahagi ng essay na ito ay kailangan din nating magpatayo ng iba’t-ibang mga institusyon na sumusuporta sa adhikaing ito pati na rin ng mga eskwelahan at mga ospital para makatulong sa layunin ng pagpapaintelektwalisa ng Filipino.

Noong pinalitan natin ng Filipino ang lingua franca mula sa Ingles, ang mga Pilipino ay hindi nahirapan sapagkat sa Filipino ay gumagamit na rin tayo ng mga salitang Ingles na tinatawag nating salitang-hiram. Ngunit kung ang pinaguusapan ay ang pagpapalit ng lahat ng ito sa purong Filipino, mahirap talaga. At tulad ng dahilang aking binanggit kanina ay talagang hindi ito praktikal sa kahit na sino dahil lahat tayo ay hindi sanay at ang mundong ating ginagalawan ay kinakailangan ng Ingles at hindi Filipino. Hindi ko naman sinasabi na hindi natin ito kailangan ngunit kailangan din natin ang Ingles. Ang hindi pagpapaintelektwalisa sa Filipino ay hindi naman nagpapatunay na hindi tayo makabayan at atin itong kinakahiya ngunit gusto lamang nating maipakita na sa mundong ito sa kasalukuyan, kailangan talaga natin ang Ingles maging sa eskwelahan o sa pagnenegosyo.
*the end*

submitted by: steph madamba
to: mr. rhod nuncio